"mas mabuti na sa akin na ninyo malaman Sir, kaysa iba pa ang magparating sa inyo. Hindi q pa tiyak qng pakakasalan aq ng ama ng magiging anak q pero qng nakakasira aq sa kompanya ay nakahanda naman aqng magbitiw. Ang pakiusap q lang sana ay huwag muna ngayon, hindi pa naman gaanong halata ang tyan q..."
"mas higit mong kailangan ang trabaho ngayon, di ba?" sabi ni Bret.
"oo nga, Sir." pinahid nya ang namumuong luha sa kanyang mga mata.
"you dont have to resign, Devon. You're an asset to the company, sa ilang buwan mo pa lang dito ay ilang milyon na ang nakuha nating kontrata. Sabihin mo lang sa akin qng hindi ka na pwede sa labas."
"thank you very much, Sir." hindi na nya ikinubli ang kanyang mga luha.
Nagpunta si James sa rest house nya sa Caliraya, Quezon. Kapag gusto nyang mag unwind o mag-isip ay doon xah nagpupunta. Isang payak na bahay-kubo lang ang beach house. Kompleto na rin ang mga gamit na dala nya para sa loob ng isang linggo, inihatid xah roon ng kanyang katiwala gamit ang bangka at babalikan na lang xah nito pagkaraan ng isang linggo. Secluded ang lugar na iyon kaya hindi basta-basta nararating ng tao.
Wala xang ginawa sa loob na isang linggo kundi mamingwit, lumangoy sa dagat, o kaya ay mamaril ng ibon at mag-isip. Ngunit hanggang sa matapos ang buong isan linggo ay wala xang nabuong pasya.
Napakabigat naman kasi ng hinihiling ng babaeng iyon, paghimotok nya. Matagal nyang tinimbang-timbang ang lahat, Hindi sapat na dahilan ang pagkakaroon nila ni Devon ng anak para pakasalan nya ito. Tumutol ang buo nyang pagkatao, paano nya ito ipakikilala sa kanyang pamilya? tiyak na hinding-hindi ito matatanggap ng kanyang ina. Kung si Krissy nga na isang sikat na modelo ay tutol na ang kanyang pamilya, kay Devon pa na isang ordinaryong babae lang? may pinag-aralan nga ito ngunit duda xah qng kaya nitong umagapay sa kanya sa sirkulong ginagalawan nya.
Habang papalapit ang araw ng pagbabalik nya sa kabihasnan ay lalong namumuo ang galit nya para kay Devon dahil sa panggigipit nito sa kanya. Gusto nyang isipin na maaaring hindi kanya ang ipinagdadalang-tao nito ngunit hindi rin nya magawa. Alam nyang kanya iyon at hindi nya iyon kayang itatwa sa kanyang sarili.
Masakit ang ulo ni Devon, hindi nya alam qng paano lulutasin ang problema at qng paano haharapin ang mga magulang nya sa probinsya. Matanda na ang mga ito at hindi na nya gustong bigyan ng sama ng loob. Kung talagang ayaw panagutan ni James ang kanyang dinadala ay wala xang magagawa, eskandaluhin man nya ito ay tiyak na xah lamang ang lalong malalagay sa kahihiyan at wala rin xang sapat na lakas ng loob para sa panibagong problema.
Kung mamikot kaya xah ng iba?sino naman kaya?wala ng lumiligaw sa kanya, lahat yata ay nagsipag-asawa na. Kung magbayad kaya xah ng lalaking pakakasal sa kanya?kahit kunwari lang. Wala na talaga xang ibang paraang maisip kundi daanin na lang si James sa pangongonsenxah.
Kauupo pa lang ni Devon sa kanyang mesa ng tawagin xah ni Fretzie at sabihing may tawag xah sa telepono, sambakol ang mukha na tinanggap na rin nya ang tawag.
"hoy, hindi aq ang may kasalanan ha?" biro nito ng makitang hindi maganda ang ekspresyon ng mukha nya.
Si James ang nasa kabilang linya. "can we talk?" bungad nito.
"okay, go ahead,"
"noy here, can we meet somewhere?"
"sige, sa bahay na lang, 7 o'clock tonight."
Sinilip ni Fretzie qng sino ang nagdo-doorbell sa labas, natatarantang binuksan nya ang pinto ng makita nya qng sino ang dumating na panauhin.
"Sir James?! good evening ho, kailan pa kayo dumating? tuloy po kayo."
"good evening, Fretzie, dito ba nakatira si Engr. Seron?" hindi nito alam na magkasama sila ni Devon sa iisang bahay.
"yes, Sir, maupo muna kayo at tatawagin q lang xah," dali-dali nyang pinuntahan si Devon.
"Devon, nandyan sa ibaba si Sir. Hinahanap ka," xcited na pagbabalita ni Fretzie s kanya. "ano bang kailangan sa iyo nun?" curious na tanong nito.
"asikasuhin mo muna at bababa na aq."
"halika na, nakakahiya naman kay sir, iniwan mo xah roon na mag-isa."
Napatingin ito sa suot nya. "ganyan ka nalang? naka duster? magbihis ka naman."
Nauna na ito sa ibaba habang nagpapalit xah ng maayus-ayos na damit. Nadulutan na ni Fretzie ng kape si James ng bumaba xah. Nagtatanong ang mga mata ng kanyang kaibigan na napatingin sa kanya.
"good evening," bati ni James.
Tumango lang xah, naupo na xah sa kaibayo nito. Si Fretzie naman ay nagpaalam na upang pumanhik na sa itaas para magkasarinlan sila.
"ubusin mo muna ang kape," sabi ni James.
"you have a nice place here," pamumuri nito.
"kay Fretzie ito, nakikitira lang aq, okay James cut out the preliminaries. Ano ang pasya mo?" diretsang tanong nya.
"all right, mag-live-in na lang muna tayo," alok nito.
"ano?"
"look, why should we trap ourselves into a marriage? i dont love you, you dont love me & we dont know each other very well."
"hindi naman sangkot ang pag-ibig sa pinag-uusapan natin," maigting na sabi nya.
"i know, im sorry, lets stop throwing mud at each other. Kilalanin na muna nating mabuti ang bawat isa bago tayo sumulong sa matrimonya."
"gaano katagal?isang buwan?dalawa?isang taon? James, hindi aq pwedeng nmaghintay ng ganoon katagal. Soon, mahahalata na ang dinadala q, saka lalo aqng isusumpa ng pamilya q kapag nakisama aq sa iyo ng walang kasal. Hindi naman kailangang magsama tayo, gusto q lang magkaroon ng legal na karapatan ang anak q na gamitin ang apelyido mo at may maipakita aqng dokumento ng kasal sa pamilya q, sapat na iyon, after that wala ka ng pananagutan sa akin."
"paano ang karapatan q sa bata?"
"hindi q xah ipagkakait sayo, kikilalanin ka pa rin nya bilang ama," pangako nya.
Matagal itong hindi kumibo, nag-iisip.
"may madaling solusyon sa problema natin, qng may kakilala kang doktor...." sabi nya sa mahina at gumagaralgal na tinig ng muli xang magsalita. Hindi na nya naituloy ang iba nyang sasabihin, tuluyan na xang napaiyak.
Tigagal na napatingin ito sa kanya. "papatayin mo ang sarili mong nak?iyan ang huwag mong gagawin," nagbabanta ang tinig nito.
"James, hindi mo ba naiintindihan?desperado na aq, paano aq?ang kahihiyan q?hindi naman pinlano ito James. Pareho naitng hindi ginusto ito. God, bat hindi pa aq mamatay?"
Pra naman nasundot ang konsenxah ni James. Pilit nitong pinatigas ang damdamin nito, halatang natatakot din ito na baka nag sa kalituhan nya ay maisipan nyang magpa-abort. Pumagitna ang matagal na katahimikan.
"all right, it will be a marriage for convenience only. Huwag ka ng umasa ng higit pa roon," naipasya nito.
"para makasiguro ka, gumawa ka ng prenuptial agreement at pipirmahan q," paghahamon nya rito.
"i trust your word, give me two weeks to arrange everything," sabi nito.
"salamat," salat sa emosyon na sabi nya.
Biyernes, hustong ikalawang linggo ng araw na iyon mula ng mag-usap sina Devon at James. Tinawagan xah nito at pinaghanda.
"ill fetch you tomorrow at 8 in the morning. Bring enough clothes for two days. We will be getting married tomorrow evening," sabi nito.
Hindi na xah nakapagtanong dito ng anuman dahil agad na naputol ang linya. Sinubukan nya itong kontakin uli ngunit nabigo xah. Ipinagtapat nya kay Fretzie ang lhat pagkatapos nilang maghapunan. Pati ang pagpapakasal nila ni James.
ay bitin!
TumugonBurahinpwede mag-demand? next chapter na please.. hahhah.. :))
TumugonBurahinpanalo ang FF na toh :D next na, :D
TumugonBurahin...salamat sa dalawang nag coment....ngayon lang aq na buhay ulit pasenxah...lakwatsa kasi aq eh...:))
TumugonBurahin