CHAPTER 8
NAGTAKA si Devon ng huminto ang taxi sa departure area ng NAIA.
"saan tayo pupunta?" pigil nya sa braso ni James.
"sa Hong Kong, doon tayo pakakasal, 9:45 ang flight natin, cmon mahuhuli na tayo."
Hindi na nya halos namalayan qng paano xah nakarating sa Hong Kong, miserableng-miserable ang pakiramdam nya. Pagtuntong pa lang ng mga paa nya sa eroplano ay hlung-hilo na xah, nanlalamig ang mga kamay nya at wala xang tigil sa pagsusuka.
Pagbaba nila sa eroplano ay agad xang pinatingnan ni James sa doktor bago sila nagtuloy sa hotel. Para paring nasa ere ang pakiramdam nya. Naidaos ang kasal na lutang ang pakiramdam nya. Halos wala xang matandaan sa mga nangyayari. Kinabukasan ng umaga ay nakatakda na uli silang bumalik sa Pinas.
"okay ka na ba?" nag-aalalang tanong nito. Maputla pa rin xah, "hindi kasi pweding di tayo umuwi ngayon, darating ang mga Taiwanese bukas at magpipirmahan kami ng kontrata."
"kaya q na," lakas-loob na sabi nya.
Palabas na sila ng elevator ni James ng masalubong nila ang isang maganda at matangkad na babae., para itong buhay na mannequin.
"James, darling what are you doing here?" buong kasabikang nanguyampit ito sa leeg ni James at hinalikan ito sa mga labi, matagal.
"excuse me," sabi ni Devon, bahagya nyang binundol si James at nagpatiunang lumakad.
Panay ang hinga ng malalim ni Devon, pilit nyang pinaglalabanan ang nararamdamang takot sa muling pagsakay sa eroplano. Nasa waiting area palang sila ay parang hindi na xah makahinga. Butil-butil ang pawis sa kanyang noo, halos malapirot na ang ipinamumunas nya ng pawis sa noo at kamay.
May binili lang sandali sa James sa Duty Free, ng magbalik ito ay nag-alala ito ng makitang maputlang-maputla xah, pilit naman nyang pinatatag ang kanyang sarili. Humingi xah ng tubig, nagluwang naman ang kanyang pahinga. Pag-angat pa lang ng eroplano ay umiikot na ang pakiramdam nya, natataranta na si James. Hindi bito malaman ang gagawin sa kanya. Nahihilo pa rin xah at suka ng suka.
Paglabas ng airport, agad xang itinuloy ni James sa hospital. Ipina-confine na xah nito dahil sa labis nyangpanghihina. Ng lumakas-lakas xah, dinalaw xah ni Fretzie.
"ano ba ang nangyari hah?" buong pag-aalalang tanong nito. "kanina lang aq tinawagan ni Sir at sinabing narito ka ng raw."
"wala, nahilo lang aq sa eroplano, alam mo naman, first time qng makasakay," pabirongsabi nya.
"sinong nag bantay sayo?"
"may nurse na kinuha si James, pwede na aqng lumabas bukas, sunduin mo aq hah?"
"sige, magpapaalam aq kay Boss Bret," pangako nito.
Hindi inaasahan ni Devon na susunduin xah ni James, nagulat xah ng dumating ito sa hospital. "hindi na makakapunta si Fretzie," sabi nito.
"naabala ka pa, sanay tumawag na lang xah, kaya q naman ng umuwi mag-isa," sabi nya.
Tiningnan xah nito. "sinisiguro q lang na safe ang baby q, I've sacrifice a lot for him," pagpaparunggit nito.
"siyanga pala, mula ngayon sa bahay ka na uuwi. Hinakot q na ang mga gamit mo kina Fretzie. Ipinagpaalam na rin kita, magpahinga ka muna mgayong linggong ito."
Nagulat xah sa narinig, nais sana nyang makipagtalo rito ngunit nanghihina pa xah. Hindi na xah kumibo.
"natupad na ang gusto mong mangyari, kasal na tayo, from now on, aq naman ang masusunod."
"paano ang usapan natin?" banayad na tanong nya.
"wala pa ring nababago," pabale-walang sagot nito.
"anong ibig mong sabihin?"
"simple, pinakasalan kita pero hindi mo aq pakikialaman. Im free to do what i want, gaya pa rin ng dati, iyan ang eksaktong pangako mo, remember? kaya lang, i just want to be sure na walang mangyayaring masama sa baby q. Doon ka sa palagi kitang nakikita para masubaybayan q xah. youve gotten what you want, ill try to enjoy what i got."
Mariin xang napapikit, simula na ba iyon ng kanyang kalbaryo.
"qng aq ang masusunod, ayoko ng magtrabaho ka pa, pero tiyak na hindi ka papayag. Just make sure na walang mangyayaring masama riyan sa dinadala mo. Papayagan na kitang magtrabaho," ani James.
Nagpakatimpi-timpi xah, kanina pa nya ibig umalma sa tila haring pagdidkta nito sa kanya.
"okay ilatag mo na lahat ang ground rules at ng hindi aq magkamali, o mabuti pa, ilista mo para wala aqng makalimutan."
"hindi na kailangan, i know you are smart enough to remember those rules. Another thing, gusto qng panatilihin nating lihim ang lahat ng ito. Walang nakakaalam na kasal na tayo. Walang makakaalam na doon ka na nakatira sa bahay q."
"fine with me, wala na ba?" sarkastikong sabi nya.
"iyon lang muna, as we go along, ill make the rules."
Gusto na nyang pagsisihan ang panggigipit nya kay James. Hiwalay sila ng silid na ookupahin, dinatnan nya ang mga gamit nya na nakaayos na sa guest room. Agad xang nahiga sa kama pagpasok pa lang nya sa silid. Si James naman ay bumalik na sa opisina.
Pagkaraan ng isang linggo ay pumasok na uli si Devon sa opisina. Hindi xah sumasabay kay James. Pagpasok nya sa umaga, tulog pa ito, pagdating naman nito sa gabi, qng hindi man xah tulog ay nagtutulog-tulugan xah. Maaga xang nagising ng umagang iyon. Nangangasim na naman ang kanyang sikmura, baligtad xang maglihi. Mahigit apat na buwan na xang buntis ngunit parang nagsisimula pa lamang ang kanyang paglilihi.
Gusto nyang kumain ng sinangag at pritong daing o tuyo. Naghanap xah ng mailuluto sa ref pero wala xang nakita kaya itlog na lang. Pero iniisip pa lang nya ang pritong itlog ay parang ayaw ng tanggapin ng kanyang sikmura, sinangag nalang, nagpitpit xah ng maraming bawang, ng maamoy nya ang nasusunog na bawang sa kawali ay nasusuka na xah. Tutop ang bibig, patakbong tinungo nya ang lababo. Nagsuka na xah ng nagsuka, naiwan na ang kawaling nakasalang sa kalan.
Kararating lang ni Aling Doray, umaalim-bukay ang usok na galing sa kusina, patakbo itong pumasok sa loob. Napasigaw ito ng makitang nagliliyab na ang kawaling nakasalang sa kalan. Agad nitong pinatay ang kalan at inilagay sa ibaba ang kawali. Si Devon naman ay nakaawang ang bibig, hindi makakilos.
Napabalikwas ng bangon si James na marinig ang komosyon sa kusina. tamang tama naapula na ang apoy sa kawali. Basang-basa ang buong kusina.
"ano ba ang nangyari?"
"muntik na ho tayong masunugan Sir," nanlalambot na sabi ni Aling Doray.
Napatingin xah kay Devon. "Devon, ano bang...." ngunit parang nauupos na kandilang unti-unti itong bumabagsak. Maagap naman nya itong nasaklolohan bago tuluyang bumagsak sa sahig. Pinangko nya ito at inihiga sa sala, hindi naman ito nawalan ng malay, nanginginig at napaiyak nalang. Iyon ang weakness ni James, hindi nya gusto na nakakakita ng babaeng umiiyak. Niyakap nya si Devon.
"tahan na, its all right ano bang nangyari?"
Sinabi nya ang blak nyang pag-luto ng sinangag. "sa susunod qng may gusto kang kainin hintayin mo na lang si Doray. Maaga naman xang dumarating, ano bang gusto mong kainin?"
"daing o tuyo sana, saka sinangag pero wala ng bawang."
"okay, mahiga ka na muna sa kwarto at paglulutuin q si Doray, aq na lang ang bibili ng daing para madali."
Noon lang nakakin ng husto si Devon, pati si James ay naganyak na makikain.
"huwag ka na munang pumasok." sabi nya.
"mamayang hapon na lang aq lalabas may ipa-follow-up aq sa DECS," sabi nito.
"qng tumigil ka na kasi sa trabaho, qng magkano ang sinasahod mo ay dodoblehin q na lang," pag-aalok nito.
"James, hindi lang naman dahil sa sahod kaya aq nagtatrabaho, gaya mo rin. I enjoy my job as much as you do. Secondary na lang yong pera, although sa kaso q, kailangan q pa rin."
"ang tigas talaga ng ulo mo, kapag may nangyari sa anak q, mananagot ka sa akin," pagbabanta nito.
Nasa canteen sina Devon at Fretzie ng ikwento ng huli na um-attend ito sa b-day party ni Mr. Tan kasama ang kanilang general manager.
"may nahahalata aq, ikaw lagi ang isinasama ni Boss sa mga lakad nya. Kaya selos na selos si Ivan eh,"
"ewn q ba sa gurang na yon, palaging aq ang kinakaray, palibhasay alam nyang hindi q xah matatanggihan. Pero tika, nalalayo aq sa tsismis, naroon nga pala si Sir James at ang buong pamilya magkaibigan pala si Mr.Tan at si Don Malcolm, pati nga si Boss ay nakakahalata na panay ang irap q kapag napapadako ang paningin q sa gawi nila. Paano, ang bruhang Ericka ay hindi umaalis sa pagkakapulupot sa asawa mo, tingin q, enjoy naman ito,"
Napalingon xah sa paligid "sshh.....ang boses mo mamaya may makarinig sa iyo," saway nya.
"alam mo, tuwang-tuwa naman ang mga kapatid at parents ni James, halatang botong-boto sila kay Ericka. Panay nga ang tanong ng mag bisita qng kailan ang kasal 'soon' naman ang sagot ni Doña Patricia."
"hmmm, hayan mo lang sila, matagal na bang nobya ni James si Ericka?" kaswal na tanong nya, hindi xah nagpahalata na nasasaktan xah.
"mag-iisang taon na yata, kailan lang naging hot item ang dalwang iyan, lalo nat maraming joint venture project ang mga Tan at Reid. Kailan lang naman natigil sa Pinas iyang si Ericka, sa amerika yan lumaki, tingnan mo mukhang playgirl din," sabi ni Fretzie.
"loka, hindi q pa un nakikita, ano bang hitsura ng Ericka nayan?"
Mataman xah nitong tiningnan. "hindi kayo nagkakalayo ng height, maputi xah mestisang intsik, mas may hitsura kapanga kaysa kay Ericka na yun qng tutuusin, pinaganda lang yun ng makeup at ng mga mamahaling damit at alahas na isinusuot. Alam mo, hiyang sayo ang pagbubuntis. Gumaganda ka, baka babae iyan, ganoon daw yun eh, tama iyan palagi kang mag-ayos para hindi ka palitan."
"Fretzie, ilang beses q bang sasabihin sa yo, ours is not a normal marriage, for convenience lang ang lahat, malaya parin si James na gawin ang gusto nyang gawin, bahagi iyon ng aming kasunduan."
"how bout you?ganoon din ba?malaya ka ring gawin ang gusto mong gawin?hindi kaba umaasa na later om ay mabaling sa iyo ang pagmamahal ni Jmaes?"
"sa romance novel lang nangyayari iyon."
"who knows?" sabi nito
"ayokong umasa, basta tanggapin lang nya ang bata, okay na sa akin."
Nakaugalian na ni Devon na tuwing umaga, bago pumasok sa opisina ay sinisilip na muna nya qng naroon na sa kwarto nito si James. katulad ng alam nyang ginagawa ni James kapag dumarating ito kahit anong oras sa gabi ay sinisilip xah nito sa kanyang silid.
Wala na ito sa higaan ng umagang iyon pero doon ito natulog kagabi. Hinanap nya ito sa buong kabahayan ngunit hindi nya ito nakita. Wala rin ito sa labas ngunit ang kotse nito ay nasa garahe.
Papasok na sana xah ng mag-ring ang telepono, si James ang nasa kabilang linya. "pupunta aq sa Mindanao, nagkaroon ng explotion sa minahan, nag-cave-in ang tunnel. May mga na-trap sa loob. Baka matagalan aq, huwag mo munang pauwiin si Doray at ng may kasama ka sa gabi."
"oo, sige mag-ingat ka."
"salamat," sabi nito at agad din itong nawala sa kabilang linya.
Next naaaa. ;)
TumugonBurahinbitin naman! hahaha.. demanding mode:on! hahahah..
TumugonBurahin