CHAPTER 6
NANLALAMBOT na muling pumikit si Devon. Ilang araw na nya iyong nararamdaman. Magdadalawang araw na, palaging mabigat ang pakiramdam nya, hindi xah gaanong nakakakain. Noong una, akala nya ay tatrangkasohin lang xah ngunit naging malimit ang pagkahilo nya. Panay rin ang overtime nila ng nakaraang linggo kay akala nya ay dala rin iyon ng pagod at puyat. Ayaw nyang isipin ang matagal na nyang pinangangambahan. Hindi naman xah nagduduwal sa umaga, hindi naman xah naghahanap ng maasim. Ngunit dalawang buwan na xang hindi dinaratnan. Ayaw nyang magpa tingin sa doktor at baka kumpirmahin lang nito ang kinakatakutan nya. Hindi pa xah handa, naging mainitin ang kanyang ulo, madalas ay wala xah sa mood.
Katatapos lang nilang maghapunan ng Sabadong iyon ng kausapin xah ni Fretzie.
"may skit ka ba?hindi ka na naman nakakain?bakit hindi ka magpatingin sa doktor?gusto mo samahan kit?" tila hindi na nakatiis na sabi nito.
"wala akong sakit,"pag-iiwas nya sa mga sinasabi nito.
"are you sure?"
Matagal xang hindi nakaimik, pagkuway bumuntong-hininga.
"Fretz, i think im pregnant."
Parang hinid makapaniwala si Fretzie sa narinig nito. Ni wala xang nababanggit na BF dito, wala rin naman itong nakikitang lalaki na dumadalaw sa kanya.
Mariin xang napapikit. "my god! minsan lang nangyari iyon, tinamaan pa aq."
"nagpatingin ka na ba sa doktor?" sabi ni Frtezie
Umiling xah.
"paano qng mali ang akala mo?" pagbibigay pag-asa nito.
"sana nag ay magdilang-anghel ka, iyon din ang dasal q."
"malapit lang naman ang clinic, dyan lang sa may kanto. Halika, magpatingin ka, sasamahan kita."
Hindi malaman ni Devon qng matutuwa sila ni Fretzie o malulungkot sa resulta ng pregnancy test nya. Tatlong buwan na ang ipinagbubuntis nya, binigyan xa ng vitamins at inin-jectionan xah ng pampakapit ng bata. Naging parang robot na lang xah na tango lang ng tango sa instruction ng doktora. Pagkagaling nila sa doktor ay agad xang humiga sa sofa. Naupo naman si Fretzie sa kaibayo nya.
"what now?" tanong nito.
"i dont know," mahinang sagot nya. "wag kang mag-alala, wala aqng planong magpalaglag qng iyan ang nasa isip mo."
"how bout the father?" sabi nito.
"how about him?" binuntutan nya iyon ng isang mapaklang tawa.
"wala kang planong ipaalam sa kanya ang tungkol sa bata?"
"pinag-iisipan q pa," matabang na sagot nya.
"kaya mo ba?"
"ang alin?"
"the consequences of being a single parevt. Di ba, sabi mo may pagka-conservative ang pamilya mo?"
"honestly, Fretz sa ngayon ay wala pa aqng plano. Wala aqng maisip, blangko ang utak q, ni ayaw mag-function." gumaralgal ang tinig nya sa pinipigil na emosyon.
"my life story might help you decide, bibihara ang nakakaalam na bastarda aq, at ang masaklap, kahit kailan ay hindi q napilit si Mommy na ipagtapat sa akin qng sino ang tunay qng ama," hindi maitago ang pangungulila sa tinig nito.
"iyon ang huwag mong gagawin Devon, be fair to your child. Bigyan mo xah ng pagkakataon na makilala ang kanyang ama, hindi tulad ng ginawa nya sa akin. Alam ko, mahal na mahal din nya aq, pero pinagkaitan nya aq ng pagkakataon na makilala ang aking ama. Hanggang ngayon, lihim pa rin akong umaasa na sana ay magbago ang kanyang pasya. Gusto q lang malaman qng sino xah. Tanggapin man nya aq o hindi ay oaky lang," hilam sa luha ang mga mata na pagpapatuloy nito.
Hindi nya malaman qng ano ang sasabihin nya rito.
Matagal na pinag-iisipan ni Devon ang mga sinabi ni Fretzie. Dagdag pa sa kanyang suliranin ay qng paano ipagtatapat sa kanyang pamilya ang kalagayan nya. Hindi naman nya maaring itago iyon habang-buhay. Labis xang naaapektuhan ng kanyang problema. Mabilis ang pagkahulog ng kanyang katawan. Palagi iyong pinupona ng mga kasamahan nya sa opisina, ang pangangayayat nya, ngunit hindi na lang nya iyon pinapansin.
Sa wakas ay nakabuo ng pasya si Devon, kinabukasan, pagdating sa opisina ay agad nyang tinawagan ang sekretarya ni James at humingi ng appointment. Hindi xah mapakali habang hinihintay ang takdang oras para sa pakikipag-usap dito. Parang gusto na nyang umurong. Eksaktong alas-diyes ay pumasok na xah sa opisina nito. Ang tanggapan ng sekretarya nito ang una nyang nabungaran, nagulat xah sa hitsura ng sekretarya, mataba, makapal ang suot na salamin at tila malapit ng magretiro. Ang buong akala nga nya noon ay maganda, bata, at sexy ang sekretarya ni James, kimi xang bumati rito. Ngumiti naman ito sa kanya at agad xang pinapasok sa opisina ni James.
"good morning, have s seat," nakangiting bati nito. "what can i do for you?"
Hindi nya makuhang ngumiti, ni wala rin xang mahagilap na sasabihin. Ang lahat ng pinag-aralan nyang sasabihin kay James ay tila lumipad sa kanyang isip.
"buntis aq!" biglang bulalas nya. Hindi na nya nagawang dugtungan ang sasabihin, kapag nagsalita pa xah ay tiyak na mapapaiyak na xah.
Daig pa ang tinuka ng ahas ang hitsura ni James sa narinig. Kinuha nya ang resulta ng pregnanacy test sa kanyang bulsa at inilapag sa ibabaw ng mesa.
"hayan ang pregnancy test, pwede mong i-verify." hindi na nya hinintay ang sasabihin nito. Mabilis na xang tumalikod. Palabas na xah ng pinto ng tila makabawi si James sa pagkabigla.
"wait a minute, lets talk," sabi nito at lumapit sa kanya.
Biglang natutop nya ang kanyang bibig. Parang hanalukay ang kanyang tyan. Natatarantang naghahanap xah ng pwedeng mapagsukahan. Tila agad naman iyong naintindihan nito, Inalalayan xah nito patungo sa comfort room, muntik na nga xang hindi umabot sa lababo. Doon xah nagduduwal, hanggang sa pakiwri nya ay ilalabas na nya pati ang kanyang bituka.
Pnay hagod nito sa kanyang likod habang pinupunasan ng panyo ang kanyang bibig. Ng medyo nhimasmasan xah ay itinulak nya ito palayo.
"please, nahihilo aq sa amoy mo."
"a-anong...?" inamoy nito ang sarili.
"ayoko ng amoy ng pabango mo," sabi nya.
Napilitan tuloy itong lumabas ng banyo. Ng wala na ito sa kanyang tabi ay nakadama xah ng ginhawa. Nanlalambot na naghilamos xah, pagkatapos ay bumalik na xah sa sofa. Anyong muling lalapit sa kanya si James pero sinenyasan nya ito na huwag lumapit. Narinig nya ng tawagin nito ang sekretarya nito, humingi ito ng juice at kape.
"ano ba ang nangyari?" curious na tanong nito.
"wala ho, nahilo lang aq." kiming sagot nya.
Bagong paligo na si James ng lumabas. Naka T-shirt na itong itim na may kuwelyo, nakapantalong maong, ay rubber shoes.
"you can leave us now," utos ni James sa sekretarya na agad namang tumalima.
"okay ka na?" baling nito sa kanya.
Tumango xah.
"all right, mag-usap tayo. Ano ang balak mo ngayon?"
"i dont know," halos ayaw lumabas ng kanyang tinig.
"okay, ill support you & the child."
"ganoon lang ba kadali iyon? James, ayokong magkaanak ng isang bastardo. A-ayokong maging dalagang-ina." pinipigil nya ang wag maiyak.
"what do you mean?"
"Engr. James Reid, qng may iniingatan kang dangal, ganoon din aq hindi dahil mas mapera ka at kilala ay mas may dangal ka kaysa sa akin. Pareho lang tayo, iyon na lang ang tanging maipagmamalaki q, mawawala pa?"
"okay, spill it out qng ano gusto mong mangyari."
"pakasalan mo aq, bigyan mo ng pangalan ang dinadala q."
"thats ridiculous! we didn't even really know each other," hindi makapaniwalang sabi nito.
Nagsiklab na xah sa galit, tumayo xah at hinarap ito. "hoy!alalahanin mo na hindi q ito ginawang mag-isa, kasama ka!bakit kailangan aq lang ang magdusa, ha?! qng hindi mo aq sinipingan ng gabing iyon, hindi sana mangyayari ito!"
"qng wala ka sa higaan q ay malayong mangyari iyon," sabi naman nito.
Namula xah sa tinuran nito. "lasing aq ng gabing iyon."
"i was drunk too. I thought you were Ericka," pangangatwiran nito.
May sumagid na kirot sa kanyang dibdib. Saglit na namagitan ang katahimikan sa pagitan nila.
"all right, walang mangyayari qng magsisisihan tayo pareho nagyon," sabi nito.
"it was an accident but we should be ready to face the consequences at pareho tayong may pananagutan sa magiging anak natin," malumanay na sbi nya.
"hindi q tinatalikuran ang responsibilidad q. Kaya nga handa aqng sustentuhan kayong mag-ina," pangangatwiran nito.
"no i want a legal name for my child, qng hindi mo kayang ibigay iyon, ngayon pa lang, kalimutan mo na ang tungkol sa kanya."
awwwwwww,.,. tanggapin mo na james
TumugonBurahinnako ka james, dami mong angal, haha. :D
TumugonBurahin