Martes, Mayo 10, 2011

PUSO

CHAPTER 5



LIKAS na palakaibigan si Devon, ilang araw pa lang xang pumapasok sa opisina ay kabatian na nya halos lahat ng staff.Magkatabi ang mesa nali ni Fretzie, ang sekretaya ni Bret, kaya ito ang unang naging kaibigan nya.
Isinama xah ni Ivan sa isang tanggapan ang saan mayroon itong transaksyon. Nagpaalam silang dalawa kay Bret.
   "bilib talaga aq sa lakas mo kay boss," ani Ivan.
   "bakit naman?"
   "aba eh itong pajero ang ipinagamit sa atin. Dati iyong lumang pickup ang pa-service sa akin."
   "ganoon bah? nagkataon lang siguro na nasa good mood xah."
   "pero natutuwa naman aq at sa iyo nababaling ang attention nya, balo kasi iyang si Sir Bret, almost 2 yrs na at wala silang anak ng namatay na asawa." pahayag nito.
   "bakit naman?" tanong nya.
   "para malayo ang tingin nya kay Fretzie."
   "uy!nagseselos ka?"
Napakamot ito sa ulo, "ang tagal q na kasing dinidiskartehan ang babaeng iyon qng bakit ayaw maniwala. Tingnan mo ng aq? ano'ng panama sa akin ni Sam Milby, di ba?" 
Napahagikhik xah "iyang pagmamaneho ang asikasuhin mo, mamaya'y mabangga tayo, sayang itong pajero." nagtawanan sila.
   "siguro ma-chicks ka kaya ayaw kang paniwalaan ni Fretzie."
   "kasalanan q ba qng marami silang nagmamahal sakin? I am just humanitarian, besides mas mabuti na iyong mang-chicks aq kaysa mang-cats."
   "luko-luko," humahagikhik na sabi nya.
   "pero talagang seryoso aq kay Fretzie, kaya lang ayaw maniwala. Napaka-aloof kasi ng babaeng iyon, she seldom socialize. Mabuti nga sigurong lumayo aq baka sakaling ma-miss nya aq."
   "baka ang mangyari nyan ay absence makes the heart 4get," pagbibiro nya.
   "aray!," natatawang sabi nito.
Ng bumalik sila sa opisina ng hapon para mag report, natuwa si Bret dahil malaki ang nasingil nila kaya nag blow-out ito ng dinner, isinama nila si Fretzie.


Panatag ang loob ni Devon. Mag-iisang buwan na xang nagtatrabaho sa Summit Construction, ni anino ni Engr. James Reid ay hindi man lang nya nasisilayan. Kapag nakikita nya ito sa dyaryo o T, hindi pa rin xah makaniwala na ito nga ang nakasama nya ng buong magdamag. Milya-milya ang layo nito sa kanya. Hindi na rin xah mangangambang magkikita sila nito. Baka nga ni hindi pa nito natandaan ang kanyang hitsura sa sobrang abala ba naman nito.
Hindi nga nya gaanong maalala ang namagitan sa kanila ni James ng gabing iyon ngunit hindi rin naman nya iyon makalimutan. But she was very pragmatic person. Alam nya na kahit iyakan nya ang pangyayari ay hindi na rin maibabalik ang lahat. Wala xang magagawa kundi tanggapin na isa lamang xah sa mga nalagas na dahon sa buhay ng binata.


Dumating na ang visa ni Kyra. Dalawang buwan din nito iyong hinintay, nakatakda na itong umalis.
   "mabuti ka pa, magiging dollar-earner ka na, basta huwag mo lang kalilimutang padalhan aq ng package, okay na."
   "huwag kang mag-alala, padadalhan kita ng Amerikano para makapag-asawa ka na."
   "promise mo iyan ha? hindi bale ng hindi mayaman at guapo, basta walang AIDS," natatawang bilin nya rito.
   "requirements, kailangan may certification ng AIDS test," pangako nito.
Kahit anong biruan nila ni Kyra, ng puntong aalis na ito ay nagkaiyakan pa rin sila sa airport. Dalawang taon ang kontrata nito sa New York Gen., Hospital. Naki-share nalang xah sa tinitirhang town house ni Fretzie.


Tuloy-tuloy na pumasok si Devon sa opisina ng Genaral Manager, kagagaling lsng nya mula sa pre-bidding conference. Kasali sila sa bidding para sa bubuksang bagong kalsada na mag-uugnay sa mga probinxah ng Quirino at Aurora.
Malugod na tinanggap ni Devon ang pagbati ng kanyang mga nakalaban sa bidding. Pasado alas-tres na ng makabalik xah sa opisina, agad xang dumeritso sa opisina ni Bret. Wala si Fretzie sa mesa kay tuloy-tuloy na xah sa loob. Pagbukas nya ng pinto ay masaya nyang ibinalita kay Bret ang pagkakapanalo nila sa bidding.
   "congratulations!" kinamayan xah nito.
   "o, ano boss? may pa-ice cream ba ulit?" pangangantyaw nya.
   "aba. eh kapag palagi tayong mananalo sa bidding at makakakolekta ka ng malaki ay maglilibre aq, maghihirap ang kompanya," pagbibiro nito.
   "kuripot talaga kayo," natatawang sabi nya.
   "sige aq na lang ang sagot," anang isang tinig mula sa gawing likuran nya.
Gitlang napalingon sa pinanggagalingan ng tinig. Biglang nawalan ng kulay ang kanyang mukha ng makita ang lalaki na nagmamay-ari ng tinig na iyon. Noon naman pumasok si Fretzie na tulak-tulak ang rolling tray.
   "narito ka na pala, kumusta ang bidding?" tanong nito sa kanya.
   "lu-lumilindol yata," naghanap xah ng mahawakan.
   "hindi naman ah," mabilis xang nilapitan ni Fretzie, "Devon anong nangyayari sayo?" natatarantang tanong nito.
Maagap naman xang tinulungang maiupo ni James. Iniyuko nito ang ulo nya sandali at saka iniangat iyon. Humingi ito ng brandy kay Bret at agad na ipinainom sa kanya. Ng ihitin xah ng ubo, hinagud-hagod nito ang kanyang likod. Ng ganap xang mahimasmasan ay inabutan xah ni Fretzie ng tubig. Mabilis naman nya iyong ininom.
   "hindi q alam na ganyan pala kalakas ang dating mo sa mga girls, pare. Abay muntik ng himatayin sa Engr. Seron ng makita ka," pagbibiro ni Bret.
Tatayo na sana xah ngunit maagap xang pinigilan ni Fretzie. "palagay q ay gutom lang iyan, hindi kapa nagtatanghalian, ano? nakita q si Mang Ernie, ngayon lang, kumakain sa canteen."
   "sige, kakain muna aq," sabi nya.
   "heto ang sandwich, kainin mo muna," alok ni James.
   "salamat," sabi nya ngunit hindi nya inabot ang ibinigay nito.
   "bakit ba palagi kang nakakalapit ng di q namamalayan?" mahina pero maasik na tanong nya kay James.
   "ikaw itong mahilig magpapasok sa alanganin, eh," pabulong ding sagot nito.
Halata ang pagtataka sa mga mukha ng nagkatinginan sina Bret at Fretzie. Kahit hindi naririnig ng mga ito ang usapan nilang dalawa ay halata ang inis sa mga mukha nila. Tumayo na xah at walang lingon-likod na lumabas ng opisinang iyon.
   "ano ba ang nangyayari sa babaeng iyon," mabilis na sinundan xah ni Fretzie.

3 komento:

  1. james naman ehhhhhh ang gwapo mo kasi lumindol 2loy

    TumugonBurahin
  2. @ mhelon- bukas na ung next chap hah...nag aantay pa kasi aq sa FF ni Carina Mae Nana...ending na ksi....basahin mo rin FF nya....



    @ bianca belgica - oo ng teh eh....sobrang gwapo kaya di lang lindol mararamdaman q kundi hihimatayin aketch sa sobrang gwapo ni james...:p

    TumugonBurahin